Friday, September 13, 2019

Circa: Mga Rolyo at Misteryo (Movie Review)

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay isa sa pinakahihintay ko bilang isang tumatangkilik sa mga pelikulang Pinoy.


Ako'y nagagalak dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mapanood ang isa sa tatlong kalahok sa #PPP2019 Sandaan Showcase, ang Circa noong Setyembre 10, alas-siyete ng gabi sa Gateway Cinema 1


Maraming salamat sa tiket Gateway Cineplex!

Photo by Manuel M.


Ang Circa ay kwento ni Dona Atang na humihiling ng reunion sa kanyang mga mahal na mga artista at empleyado para sa 100 niyang kaarawan. 

Narito't hihimayin ko ang nais iparating sa mga manonood ng Circa. 

1. Si Dona Atang
- Ang kilalang movie producer ng panahon maningning ang mga pelikula. Strikta sa mga artista at direktor kung trabaho ang pag-uusapan niya pero ito'y mabait at mapagbigay sa kanya mga empleyado. Sobrang kahanga-hanga ang galing pa rin sa pag-arte ni Miss Anita Linda. 

2. Isang Hiling
-Masuwerte ang umaabot sa isang daan taon ng kanilang buhay kaya naman gagawin ang lahat ni Michael (Enchong Dee) para matupad ang hiling ng kanyang Lola. Hanapin at imbitahan ang mga nakasama niya sa dating production house. Naging mahirap ang paghahanap pero masaya si Michael na marami siyang nalaman tungkol sa pinakamamahal niyang Lola. 

3. Lumang Pelikula
-Nakakatuwa na pinaalala ng pelikulang ito ang mga dating kahanga-hanga at tunay na malikhain pelikulang Pinoy sa pinilakang tabing. Nakakalungkot nga lang na nakalimutan na ito ng karamihan mga Pilipino dahil sa makabagong teknolohiya. 

4 Si Delfin
-Sino nga ba siya? May teoriya ang aking kasamang nanood at masasabi kong may punto siya. Maaring nakipagkasundo si Dona Atang kay Delfin upang tumagal ang kanyang buhay at maging successful siya. Siya ang kanyang pampaswerte. 

5. Hiwaga at Pantasya
-Akala ko ay pangkaraniwan lamang ang kwento ng Circa pero may mga kakaibang simbolismo at elemento lalo na sa dulo ng pelikula. 

Sa totoo lang ay hindi kasali ang Circa sa tatlo nais ko talagang makita sa sinehan ngunit matapos ko itong mapanood, akin napagtanto na maganda ito lalo na ipinakita ang buhay ni Dona Atang at ang pagmamahal niya sa mga pelikula. Nasasalamin rin ito ng tunay na kalagayan ngayon ng industriya ng mga artista at pelikulang Pilipino. 


Panoorin at tangkilikin ang sampung pelikula kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino. 

Photo by Manuel M.

Mabuhay ang Circa! 

(Blog feature is written in Filipino as requested by the blogger's readers.)

2 comments:

  1. Never ko pa po ma Experience ng mga ganitong Pelikula na makanuod. Parang interesting Yung story

    ReplyDelete
    Replies
    1. I hope you will experience it one of these days Miss Kim. Very interesting story plot. Thank you Miss Kim.

      Delete